Ibinida ng social media personality at paresan owner na si "Diwata" na finally ay nagkita na sila ng kinakiligang aktor-restaurant owner na si Marvin Agustin.

Matatandaang kinilig si Diwata nang magkausap sila ni Marvin sa pamamagitan ng isang vidyokol, at hiritan niya itong inaabangan niya ang "kissing scene" nilang dalawa.

Tinikman naman ni Marvin ang isa sa mga ipinagmamalaki ni Diwata sa kaniyang paresan, ang fried chicken, kung saan aprub naman sa panlasa ng aktor-chef.

Bukod sa panayam, nakipaglaro pa ng garter games si Marvin kay Diwata na bentang-benta naman sa mga tao.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Hindi naman naganap ang inaasam-asam na "kissing scene" sa pagitan nilang dalawa.

Mapapanood ang pagkikita nilang dalawa sa ">YouTube channel ni Diwata.

MAKI-BALITA: Naka-vidyokol pa: Diwata, bet maka-kissing scene si Marvin Agustin