Kinumpirma ni Senate President Migz Zubiri na bababa na siya sa pwesto bilang pangulo ng Senado ngayong Lunes, Mayo 20.

Sinabi ito ni Zubiri sa isang panayam ng mga mamamahayag.

“I did my best, but I’ll leave my head held up high,” ani Zubiri.

“Dahil not following instructions kaya nadale tayo. We will continue in support of the independence of the Senate,” saad din niya sa isang panayam.

National

‘Marcos group’, galit daw kay Zubiri nang payagan si Dela Rosa mag-hearing

Nakatakdang magkaroon ng privilege speech si Zubiri sa isinasagawang Senate Session No. 75 nitong Lunes.

Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang umano’y kudeta laban kay Zubiri.

Umupo sa puwesto bilang Senate president si Zubiri noong Hulyo 2022.

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2024/04/02/zubiri-nag-react-sa-vice-presidential-survey-i-will-not-be-running-for-any-public-office-in-2028/