Pinatatanggalan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng kapangyarihang pangasiwaan ang pulisya sa munisipalidad na nasasakupan nito.

Sa isang press conference nitong Lunes, Mayo 20, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na inirekomenda na nila ang pagtatanggal ng kapangyarihan ni Guo na mag-deputize at pangasiwaan ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Abalos, ang naturang hakbang nila ay may kaugnayan sa umano’y pagkakasangkot ng alkalde sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa lalawigan.

Maaari na rin umanong makapagsampa ng kaso ang DILG anumang oras matapos ang imbestigasyong isinumite nila sa Office of the Ombudsman.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Samantala, matatandaang kamakailan lamang ay sinabi ni Abalos na nagrekomenda na sila ng “preventive suspension” laban kay Guo.

MAKI-BALITA: DILG, nagrekomenda ng ‘preventive suspension’ laban kay Mayor Alice Guo

Kasalukuyan ding iniimbestigahan sa Senado ang naturang pagkakadawit umano ng alkalde sa POGO, kung saan kinuwestiyon din sa pagdinig ang tungkol sa identidad nito.

MAKI-BALITA: Mayor ng Bamban, Tarlac, walang school at hospital records?