Hindi napigilan ng mga netizen na alalahanin ang pagmamahal ng kanilang mga lola matapos nilang mapanood ang pilit na pag-abot ng isang lola ng tinatago niyang pera sa may birthday niyang apo.

Base sa ">TikTok video ni “elj0624” na inulat ng Manila Bulletin, makikita ang kanilang 89-anyos na lola na si “Conchita Aure” na dumukot ng kaniyang pitaka habang tinatawag ang isa niyang apo na may kaarawan daw nang mga panahong iyon.

Nang ayaw itong tanggapin ng kaniyang apo dahil may trabaho naman na raw ito, pinipilit pa rin ni lola sabay sabing: “Masama ang natanggi sa pera.”

Kaya naman wala nang nagawa ang kaniyang apo kundi kunin ang regalo at nagpasalamat.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

“Indeed, grandmothers’ love hit different,” anang upload sa kaniyang post na umabot na ng mahigit 246,000 views at 20,300 likes.

Dahil sa nakaaantig na tagpo, tila hindi na napigilan ng netizens ang muling alalahanin ang walang katulad na pagmamahal ng kanilang lola.

Narito ang ilang mga komento ng netizens sa naturang TikTok video:

“Si Lola ganyan, sinasabi ko na ‘la, 'wag na po may allowance na ako.’ kaso pinipilit niya pa rin, kapag nabigay niya na sa'kin, nakikita ko yung ngiti.”

“Please get it. Happiness ng mga lola yan. I lost mine 9 years ago and I miss her so dearly 🥺🥺.”

“This will always be my biggest regret, not to be able to give back to my lola. Maaga kasi siyang kinuha ni Lord. I could have given her everything she wants ngayon 😭😭.”

“Ganyan din lola ko, isusubo na lang ‘yung pagkain ibibigay pa sa min tapos wala naman siyang trabaho ‘pag nagkakapera siya binibigay niya pa samin 🥺 kaya ngayon pag pinagsasabihan ako ng lola ko, instead na mag-response pinapa-feel ko na lang na nakikinig ako sa pangaral niya 🥺.”

“Please love your lola. I lost mine 2 months ago. I miss you la! Guide me always in my journey pursuing my dreams that we’ve been talking about when you were alive. 🫶🏼🥺”

“I missed my lola so much ♥ ️ ♥ ️ ♥ ️missed you in heaven la.”

“Ang bilis ko umiyak sa mga ganito, miss ko na sila lola at lolo😭.”

“Ganyan talaga mga Lola no. Napaka-selfless nila. Deserve nila lahat ng pagmamahal sa mundo 😭😭😭.”