Maging si Senador Risa Hontiveros ay “napaindak” din sa dance craze na “Pantropiko” ng girl group na BINI.

Sa kaniyang TikTok video na inilabas sa kaniyang Facebook page nitong Linggo, Mayo 19, makikita ang “game na game” na pagsayaw ni Hontiveros ng Pantropiko.

“BINI Risa in the house! Happy Sunday sa ating lahat ,” caption sa naturang post ng senadora.

Nag-debut noong 2021, ang girl group na BINI ay produkto ng ABS-CBN training camp na binubuo ng walong miyembro. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

MAKI-BALITA: ‘Walo hanggang dulo:’ Sino-sino ang mga binibini ng BINI?

Samantala, matatandaan namang kamakailan lamang ay kumasa rin ang kapwa senador ni Hontiveros na si Senador Imee Marcos sa nasabing dance craze.

MAKI-BALITA: Sen. Imee, kumasa rin sa ‘Pantropiko’ dance craze