Tila ipinagsigawan ng ‘It’s Showtime’ host na si Kim Chiu na “may mahal na siyang iba,” sa ‘EXpecially For You’ segment nitong Sabado, Mayo 18.

Sa naturang segment kasi may tanong ang guest na si Sam na “ano ang isasagot mo kung sinabihan ka ng mahal mo na ‘sorry, may mahal na akong iba.’”

Relasyon at Hiwalayan

CONFIRMED! Xian Lim, Iris Lee masayang nagde-date!

Ang ginawa ni Vice Ganda, pinaarte niya sa mga host kung paano nila sasabihin ng punong-puno ng damdamin ang “sorry, may mahal na akong iba.”

Inuna niya si Jugs, sumunod sina Ryan Bang, Karylle, Hannah, MC, Cianne, Jackie, Darren, Teddy, at Ion—na pare-parehong malungkot at masakit ang atake.

Syempre hindi pinalampas ni Vice, si Kim Chiu.

“Si Kim muna… It’s about time you say that line!” sey ni Vice.

“Sorry, may mahal na akong iba!” masaya at proud na sambit ni Kim na nagpahalakhak sa mga host at audience.

“Celebratory taray! Bakit sa’yo celebratory?” tanong ni Vice.

“Kasi pare-parehas na parang ibang level,” paliwanag naman Kim. “Lahat malungkot eh pwede mo namang sabihin nang masaya.”

“Sorry, mayroon na akong iba. Nauna ka lang!” sundot ni Vice Ganda na ikinatuwa pa ng manonood.

May pinatatamaan ka ba, meme???

Matatandaan na kinumpirma ni Xian Lim, ex-boyfriend ni Kim, kamakailan na masaya silang nagde-date ng producer na si Iris Lee.