Naaawa raw si Manay Lolit Solis sa alaga niyang si Paolo Contis dahil parang nasa loob daw ito ng aquarium na gustong laging pinanonood ng mga tao.

“Salve naaawa naman ako kay Paolo Contis na para bang nasa aquarium na gusto laging pinapanuod ng tao. Iyon kahit pa nga dapat pribado na niyang buhay talagang gusto pa rin kalkalin ng mga walang magawa,” saad ni Lolit sa kaniyang Instagram post.

Tsika at Intriga

Paolo Contis, Yen Santos nagkaroon lang ng misunderstandings?

Aniya pa, kahit daw na public figure ito pero sana raw huwag nang usisasin ang pribadong buhay nito.

“Totoong public figure ang artista. Pero sana naman iyon gusto nila na sila na lang ang may alam hayaan na natin. Tutal naman pag gusto nila i-share gagawin din nila. Iyon performance nila, iyon na lang bigyan natin pansin,” dagdag pa ng talent manager.

Isa raw si Paolo Contis sa “pinakamabait, propesyonal, at mahusay na artista.”

“Kung anuman ang buhay niya sa labas ng kamera, pagbigyan na lang natin siya basta maligaya siya. For the longest time naging sad and lonely si Paolo Contis dahil sa ilang journey niya sa buhay na hindi niya na control.

“Ngayon meron siyang nadarama na konting happiness hayaan natin siya na enjoy whatever it is. Kawawa naman siya kung pati iyon aagawin pa natin sa kanya. Let him eat his cake now and for whatever it is, enjoy,” pagtatanggol pa ni Lolit.

“Be happy Paolo Contis, para bongga. Hayaan mo sila mainggit sa ligaya mo. Go👍”

Matatandaang inuusisa ngayon si Paolo tungkol sa estado ngayon ng relasyon nila ng aktres na si Yen Santos.

BASAHIN: Paolo Contis, Yen Santos nagkaroon lang ng misunderstandings?

Pinabulaan din niya na nag-aadik siya kaya siya nangangayayat.

BASAHIN: Paolo Contis, adik nga ba kaya nangayayat?

https://balita.net.ph/2024/05/14/paolo-contis-adik-nga-ba-kaya-nangayayat/