Masayang-masaya ang 80-anyos na si Lola Julieta Gulani dahil natulungan niya ang kaniyang apo na si Darrel para magkaroon ng graduation picture.

Matatandaang nag-viral si Lola Julieta dahil sa paghingi nito ng limos para mabayaran umano ang ₱180 graduation picture ng kaniyang apo.

Trending

Lola, nanlimos para mabayaran ₱180 graduation picture ng apo

BASAHIN: Lola, nanlimos para mabayaran ₱180 graduation picture ng apo

Sa guesting ni Lola sa ‘">Dapat Alam Mo!’ ng GMA Public Affairs, ikinuwento niya kung bakit niya nagawang manlimos para kay Darrel.

Ani Lola Julieta, hindi raw alam ni Darrel na nanlimos siya para sa naturang graduation picture.

“Hindi po [niya alam]. Sinabi niya po sa akin na mayroong pictorial na dapat bayaran sa school eh wala naman na kaming pera. Sabi ko, ‘Eh hayaan mo. Mababayaran natin ‘yun,’” kuwento ni Lola.

Masaya rin daw siya dahil natulungan niya ang kaniyang minamahal na apo.

“Masaya po ako kasi natulungan ko ‘yung apo ko para makabayad doon sa kaniyang graduation picture,” masayang kwento ni Lola Julieta.

Apat na apo ang kasama ni Lola sa Pandi, Bulacan, ayon sa Dapat Alam Mo!.