Hindi na napigilan ng isang nanay ang mapahagulgol nang muli niyang makita at mayakap ang kaniyang anak makalipas ang apat na taon.

Base sa panayam ng Manila Bulletin, ibinahagi ng anak na si Salm Vincent Salvacion na apat na taon na silang hindi nagkita ng kaniyang ina matapos niyang manirahan sa United States (US) noong 17-anyos pa lang siya.

Nagtungo si Salvacion sa US para magkaroon ng mas magandang oportunidad sa edukasyon at para makilala ang kaniyang ama.

"When I moved here, my dad has a different family and didn’t grew up with him since he was in the US,” pagbabahagi ni Salvacion sa MB.

Mga Pagdiriwang

Kilalanin si ‘Anna Jarvis’ at kung paano nagsimula ang Mother’s Day celebration

“So my mom decided to let me go and get a chance to know my dad in the US and I’m here," dagdag niya.

Kaya naman, nang sorpresahin niya ang kaniyang ina para bisitahin ulit ito sa Pilipinas, mahigpit na yakap ang agad na naisukli nito sa kaniya.

"Happy Mother’s Day to my beautiful mom! See u this year again 🤍,” saad ni Salvacion.

Nitong Linggo, Mayo 12, ipinagdiwang ang Mother’s Day sa buong bansa ngayong taon. Isinasagawa ang selebrasyon ng Mother’s Day tuwing ikalawang linggo ng Mayo sa iba’t ibang dako ng mundo.