Dumadami raw ang nasasayang na pagkain sa paresan ng business owner at social media personality na si Deo Balbuena o mas kilala bilang “Diwata.”

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Mayo 12, iniulat ni showbiz insider Ogie Diaz ang himutok ng mga netizen sa mga tira-tirang pagkain sa paresan ni Diwata.

“Dahil unli rice ito, nakikita unli iwan din ng rice. Kaya ‘yong iba sinasabi, sana kung ano lang kayang ubusin ‘yon ang hingin. Hindi porke ₱100 lamang ‘yong tinitinda ni Diwata e aabusuhin n’yo na. Willing namang magbigay basta uubusin,” saad ni Ogie.

“Sa dami ng taong naghihirap ngayon tapos mag-iiwan kayo ng kalat, mag-iiwan kayo ng kanin na sumobra sa hingi,” wika niya.

Trending

Guro ginawang 'patay' sa Teachers' Day greetings; umani ng reaksiyon sa netizens

Dagdag pa ng showbiz insider: “Kaya naman ‘yong iba talagang nakikiusap na sa kanilang mga comment na sana ibigay na lang daw sa stray dogs ‘yong mga sobrang ulam, sobrang kanin.”

Umapela rin daw ang mga netizen sa mga nagbibigay ng biyaya kay Diwata na sana ay hindi lang dito ituon ang pagbibigay ng tulong dahil mas marami raw ang higit na nangangailangan.

Matatandaan kasing kamakailan lang ay niregaluhan siya ng kotse ng isang kompanya at binigay pa ng bahay ng kapuwa niya social media personality.

MAKI-BALITA: Diwata, niregaluhan ng tsekot: ‘Grabe talaga ang blessings na ‘to!’

MAKI-BALITA: Pangarap ni Diwata na magkaroon ng bahay, tinupad ni Rosmar