Nagpaabot ng pagbati para sa Mother's Day si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa kaniyang misis na si First Lady Liza Araneta-Marcos nitong araw ng Linggo, Mayo 12.

Ayon sa Facebook post ng pangulo, si FL Liza raw ay isang uri ng inang hindi lamang tinitiyak na maayos ang mga bagay sa kanilang tahanan, kundi handa ring ipagtanggol ang kanilang pamilya.

Ang lakas at malasakit daw ng esposa ay hindi lamang sa kanilang pamilya kundi para sa buong bansa.

"To this dear lady, who not only fills our home with love but stands ready to defend her family at any turn— happy Mother’s Day!"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"We are incredibly lucky to have you by our side. Your strength and compassion not only safeguard our family but also uplift our entire nation," aniya.

Pagkatapos sa asawa, nagpaabot ng pagbati si PBBM sa lahat ng mga ina.

"Sa ating mga kahanga-hangang ina, mga single mom, mga tatay na ginagampanan ang papel ng ina, at sa bawat isa na tumatayong ina, nais kong iparating na ang inyong walang sawang pagmamahal at mga sakripisyo ay siyang nagbibigay liwanag sa ating buhay, at nagpapatibay sa ating lipunan."

"Ngayon, ipinagdiriwang natin ang bawat isa sa inyo. Happy Mother’s Day!" aniya pa.