Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng hapon, Mayo 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:08 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 40 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 16 kilometro.

Naiulat ang Intensity II sa Cagwait, SURIGAO DEL SUR.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.