Naghain ng libel complaint sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan laban kay showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa ulat ni ABS-CBN News reporter MJ Felipe, nagtungo sina Sharon at Kiko sa Makati City Prosecutors Office nitong Biyernes, Mayo 10, upang isampa ang kanilang reklamo.

Habang sinusulat ito’y hindi pa naman idinetalye ang dahilan ng naturang pagkaso ng mag-asawa laban sa columnist.

Samantala, matatandaan namang naging topic kamakailan ng online program ni Cristy sina Sharon at anak nitong si KC Concepcion kung saan isang mahalagang gamit umano na nawala ang dahilan ng on and off relationship ng mag-ina.

Tsika at Intriga

Naiwalang gamit ni KC Concepcion, ugat ng malalim na gusot nila ng ina?

*Ito ay isang developing story.

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2024/05/02/bea-alonzo-naghain-ng-cyber-libel-cases-laban-kina-cristy-fermin-ogie-diaz/