Pinabulaanan ni Kapuso star at Primetime King Dingdong Dantes ang lumutang na isyu tungkol sa pagkakaroon umano niya ng anak sa aktres na si Lindsay De Vera na nakasama niya sa teleseryeng “Alyas Robin Hood.”

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkules, Mayo 9, binasag na ni Dingdong ang kaniyang pananahimik tungkol sa naturang isyu.

“Ikaw ba ay may anak kay Lindsay De Vera?” usisa ni Boy.

“Wala po,” mabilis na sagot ni Dingdong.  “Hindi po totoo. [...] Sa totoo lang, e, nagdadalawang isip talaga ako kagabi kung may sasabihin ba ako about the topic and the issue. Kasi alam kong baka tanungin ninyo, e.

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

"Pero para sa akin po kasi, dahil may mga tumatawag na po sa ‘kin na mga kaibigan, mga kamag-anak, ‘yong mga nagmamalasakit po sa ‘kin, and because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay, responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang mahalaga po ang aspetong ito para sa akin,” aniya.

Dagdag pa ng Primetime King: ”I love my wife, I love my family very much, my kids. That’s why I’m saying that it is not true.”

Matatandaang nauna nang itinanggi ni Lindsay ang isyung may anak siya kay Dindong sa isang panayam ni showbiz insider Jobert Sucaldito noong Enero 2021.