Hinangaan ng netizens ang isang coffee shop sa Bulacan matapos nitong magpapasok ng mga stray dog.

Viral ngayon sa TikTok ang video ng netizen na si (@owreeo) kung saan mapapanood ang isang aso na tila kumakatok sa pinto para makapasok sa loob.

Trending

Ogie Diaz, nag-aalala kay 'Boy Dila'

Agad naman itong pinagbuksan ng isa sa mga staff at kasunod din niya ang isa pang aso.

Komportableng pumasok ang dalawang aso na para bang sanay na sila loob ng coffee shop. Mapapanood pa nga na pumwesto agad ang isa sa ilalim ng upuan para hindi makagambala sa mga kumakain.

“We were having coffee earlier with my friends, and these lovely dogs were outside the store, waiting for the staff to let them in,” saad ni Pam sa caption.

“Kudos to the staff/cafe for opening their doors for these strays, esp in this time na sobrang init sa labas. I admire those establishment na kagaya niyo,” dagdag pa niya.

Ayon sa uploader sa Balita, matatagpuan ang coffee shop sa Malolos, Bulacan na may pangalang “Black Street Cafe.”

Ikinatuwa naman ng netizens ang ginawa ng naturang coffee shop.

"mabuti nalang may mga mabubuti pang Tao SA mundo❤️❤️God bless your heart🥰"

"the fact na alam nila san pupwesto para hindi maka abala mg customers🥺🥺🥺 aspins are the best talaga🥺😩💖"

"Saan to te? Para makagastos ng 1k ang cute namn ng cafe"

"Ganitong klase cafe ang suportahan natin, may puso sa mga hayop."

"The fact that they know where to go inside, a proof that those two are regular. kudos! praying more success on ur business!!!"

"Eto n ata pinakamagandang bubungad s tao pag bukas ng tikto🥰🥰🥰 nagdedeliver po kaya cla sa grab pra makasupport po kme s cafe nio🥰🥰🥰"

"Pls protect this coffee shop at all cost. 🥺 Support business like this. ❤🥺"

"this made me cry, the way they immediately lay down, they dont want to bother anyone 😭❤️animals deserve so much better than what we give them"