Nagkaayos na muli ang social media personality na sina Vince Flores at Toni Fowler matapos ibahagi ng huli ang isang cryptic post na tila ipinapahiwatig na hiwalay na raw sila.

MAKI-BALITA: Back to single mom: Toni Fowler at Vince Flores, hiwalay na?

Sa Instagram post ni Vince nitong Miyerkules, Mayo 8, ikinuwento niya na nagkaroon daw sila ng matinding away at tampuhan ni Toni dahil unang beses daw nilang malayo sa isa’t isa nang matagal na oras.

“Pero hinding hindi ko hahayaan na mag hiwalay kami, dahil sa pag bubuntis ni Jowa sobrang nadala siya ng emosyon kaya nakapag post siya ng kung ano ano. Pero mas pinili niya akong patawarin at ngayon ay magkasama at okay na kami,” pasubali ni Vince.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya: ”Sa mga family and friends namin na tumatawag at lahat ng nag alala, don’t worry ayos na po ang lahat. I love you so much Mameh mahal na mahal kita.”

Matatandaang noong Marso lang ay inanunsiyo pa ni Toni na buntis umano siya kay Vince.

MAKI-BALITA: Toni Fowler, Vince Flores magkaka-baby na!