Sinariwa ng dating sexy actor na si Leandro Baldemor ang karanasan sa adult movie na pinagsaluhan nila ng dating sexy star na si Rosanna Roces, ang "Patikim ng Pinya" ng Seiko Films noong 1996.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP), natanong si Leandro kung nagkaroon ba ng tsansang "nagkatikiman ng pinya" sa pagitan nila ng leading lady na si Osang.

Pag-amin ni Leandro, halos lahat naman daw noon ay baliw na baliw kay Rosanna na siyang sex symbol noong panahong iyon.

Nang ginawa pala niya ang pelikula ay 18-anyos lang siya at nag-aaral pa ng Nursing.

Pelikula

Joshua Garcia, boboses sa Pinoy-dubbed version ng 'Inside Out 2'

Natatawang sabi ni Leandro, tropa daw ang naging turingan nila ni Osang at hindi raw niya natikman ang pinya nito. Para nga raw nakababatang kapatid ang turing ng aktres sa kaniya noon.

"Wala, wala. Wala, hindi ko natikman ang pinya!" natatawa raw na sagot ng aktor.

Ikinuwento pa ni Leandro na nang mag-pictorial daw sila para sa pelikula ay may kapilyahang ginawa si Osang.

Habang nakakubabaw daw ang sexy star sa kaniya ay panay ang "kaskas" nito sa kuwan niya.

"Naka-brief ako. Paano naman itong si Osang... Eh 'di nasa ibabaw sa akin si Osang. Kinaskas naman nang kinaskas! Tarantado talaga 'yan,” napapailing daw na kuwento ni Leandro.

"Hindi ko sinabing inintensyon niya. Kasi hindi ko alam kung ano ba 'yong tama. Kasi hindi ko alam kung talagang lumapat or whatever. Basta’t ang naramdaman ko, iba! Siyempre first time," napapamurang saad pa ng aktor.

Pero aminado rin ni Leandro na "nakakabaliw" daw talaga si Osang noon, lalo na kapag naaalala niya ang lace ng panty nito.

Sa seryosong usapan, malaki raw ang utang na loob ni Leandro kay Osang dahil lagi siya nitong kinukonsidera noon kapag may proyekto.

MAKI-BALITA: Urirat kay Leandro: Pinya ni Rosanna, natikman ba niya?

Kaya naman, makikita sa bahay ni Leandro ang isang artwork na nagpapakita ng "Patikim ng Pinya" movie nila ni Osang noon bilang remembrance.

"Doon sa Christopher de Leon movie niya, 'Katawan.' Kinuha niya agad ako, Viva. Hindi niya ako nalilimutan talaga," sey ni Leandro. "Kaya sabi ko everytime na nai-interview ako, malaki ang utang na loob ko kay Osang..."

Kamakailan lamang ay naging bahagi si Leandro ng teleseryeng "Lolong" ni Kapuso actor Ruru Madrid na hinuhulma ngayon ng GMA Network bilang action-drama star.

Si Rosanna naman, in fairness ay hindi nababakante sa ABS-CBN. Matapos mapabilang sa "FPJ's Ang Probinsyano" at "Pira-Pirasong Paraiso" ay kabilang din si Osang sa upcoming teleseryeng "Pamilya Sagrado" na sinasabing star-studded at powerhouse cast.