Humingi ng tawad ang mga netizen sa aktres at singer na si Celeste Legaspi matapos pagbintangan at pag-isipan ng masama patungkol sa isang krimen.

Na siya ang pumatay kay "Divine" at mastermind ng lahat ng mga kaguluhan sa magtatapos na hit teleseryeng "Can't Buy Me Love," bilang si Auntie Cathy, na siyang nag-train kina Caroline Tiu (Belle Mariano) at Irene Tiu (Maris Racal).

Pati siya ay pinag-isipan dahil sa "black feather" na nakikita sa crime scene ng mga natsutsuging karakter sa serye, at naikonekta ito sa karakter niya dahil ang nasirang asawa ay isang hunter, at may sikretong kuwarto sa loob ng bahay niya na bawal pasukin nang kahit na sino.

Anyway, nagulantang ang mga manonood sa bonggang plot twist sa episode 147 dahil napag-alaman nang si "Bettina Tiu" played by trending Kaila Estrada ang salarin, at kasabwat niya si "Manong Ibe" na ginampanan naman ni Cris Villanueva.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

MAKI-BALITA: Kaila Estrada, puring-puri ng netizens dahil sa galing sa pag-arte

Kaya nag-sorry na lang ang mga netizen kay Auntie Cathy dahil sa pag-aaakalang siya nga ang "tahimik" na kontrabida sa kuwento.