Natumba umano ang Kapuso comedian na si Norman Balbuena o mas kilala bilang “Boobay” sa isang event na ginanap nitong Martes, Mayo 7, para sa kapistahan ng Apari, Cagayan.

Sa isang bahagi ng Facebook livestream ni Vice Mayor Rene Chan, makikita na biglang natumba si Boobay habang nagho-host sa naturang event.

Agad naman siyang tinulungan ng mga nakasaksi sa pangyayari kabilang na ang kapuwa niya komedyanteng si Pepita Curtis na kasama niyang nag-host..

Pansamantalang pinutol ang livestream at nag-commercial break. Nang muling makabalik, ipinaliwanag ni Pepita na na-out of balance lang daw si Boobay. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pagkatapos ng event, kasabay ng pasasalamat sa mga taga-Aparri ay tiniyak din niya na okay na raw ang kaniyang co-host at nagpapahinga na.

Pero ayon sa ulat ng GMA News, natumba raw si Boobay dahil sa matinding ilaw na tumatama sa mata niya habang nasa stage batay sa paliwanag ni Sparkle president Joy Marcelo.

Matatandaang noong Abril 2023 ay bigla naman naging “unresponsive” si Boobay nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

MAKI-BALITA: Boobay, naging unresponsive sa interview sa ‘Fast Talk’