Mariing tumanggi ang bagong itinanghal na Miss Universe Philippines 2026 na si Bea Millan-Wondorski sa mga binabatong batikos sa kaniya na isa raw siyang “performative” at “oportunista” sa paglalakbay niya sa mundo ng pageantry sa Pilipinas.
Matatandaang nakoronahan si Bea bilang Miss Universe Philippines 2026 sa ginanap na coronation night sa SM Mall of Asia noong Mayo 2, 2026.
Ipinanganak si Bea sa Milwaukee, Wisconsin, United States noong 2002. Mula siya sa pamilya ng mga imigrante. Ang kaniyang dugong Pinoy ay galing sa panig ng kaniyang ina.
Kinoronahan na rin siya bilang Miss Earth USA noong 2024 at kinilala siya bilang kauna-unahang Filipino-American na nanalo ng naturang titulo.
KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Sino si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski?
Ayon naman sa naging panayam ni Asia's King of Talk na si Boy Abunda kay Bea sa inilabas na episong ng “Fast Talk with Boy Abunda” ng GMA Network noong Miyerkules, Mayo 6, mapapanood na inurirat ni Tito Boy ang beauty queen kung nasasaktan ba raw ang ito sa sinasabi ng publikong isa siyang performative at opportunist.
“The words used were performative [and] opportunist. I mean, crazy words. Nasaktan ka?” kuwestiyon ni Tito Boy.
Depensa ni Bea, buong buhay na raw niyang nirerepresenta ang Pilipinas dahil karapat-dapat daw itong ipagmalaki.
“For me, what I was saying is that the Philippines is worth representing. Because I’ve done work to represent the Philippines and for the Philippines my whole life,” pagsisimula niya.
Ani Bea, sumali pa nga raw siya sa unyon ng mga estudyante sa Amerika at nakiisa sa mga protesta para ipaglabang itigil ang pagkamuhi sa mga Asian.
Aniya pa, layunin daw kasi niyang tapatan ang legasiya at mga sakripisyo ng kaniyang ina at lola.
“Even in the US, I joined the Asian Student Union, I was joining the protest of Stop Asian Hate. Because I wanted to live up to the legacy of my lola at my mom and all they sacrificed,” aniya.
Pagpapatuloy ni Bea, marami nga raw siyang natatanggap na pambabatikos mula sa publiko ngunit hangarin lang daw niyang tuparin ang pangarap niya noong bata pa lang siya na ipagmalaki ang kaniyang pagiging Pilipino.
“I get a lot of criticism that I’m an opportunist or I’m performative. But throughout this whole journey, I’ve just been trying to be enough for myself and enough for younger Bea who was proud to be Filipina and felt rejected by both Americans and both Filipinos at home,” pagtatapos pa niya.
Samantala, nakatakda namang katawanin ni Bea ang Pilipinas sa global stage para sa ika-75 edisyon ng Miss Universe na gaganapin sa Nobyembre 2026.
KAUGNAY NA BALITA: Bea Windorski sa mga babaeng na-bully dahil sa itsura: 'You need to be enough for yourself!'
KAUGNAY NA BALITA: Proud sa imperfections! Bea Windorski, na-bully dahil sa baba niya