May 21, 2026

Home SHOWBIZ Events

Bea Windorski sa mga babaeng na-bully dahil sa itsura: 'You need to be enough for yourself!'

Bea Windorski sa mga babaeng na-bully dahil sa itsura: 'You need to be enough for yourself!'
Photo courtesy: MB File Photo

Nag-iwan ng mensahe ang pambato ng La Union at kinoronahang Miss Universe Philippines 2026 na si Bea Millan Windorski para sa kababaihang nakaranas ng "attack" pagdating sa kanilang physical beauty.

Inamin kasi ni Windorski na kahit beauty queen siya, hindi pa rin siya ligtas mula sa pambu-bully sa kaniyang physical appearance, partikular sa kaniyang baba.

Sa panayam kay Bea matapos ang coronation night na ginanap sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Sabado ng gabi, Mayo 2, sinabi ni Bea na naokray na siya ng bashers dahil sa kaniyang chin.

Inspired daw si Bea sa kasalukuyang Miss Universe 2025 na si Fatima Bosch dahil naipagpatuloy raw niya ang pagrereyna sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan sa pagkakapanalo ng korona at titulo.

"I'm inspired that she's able to continue her reign and stand up for herself despite all the criticisms because this journey has been really difficult for me," paliwanag ni Bea.

Events

Hirit ni Marina Summers sa standards sa pageants, tuhog din sa pagpili ng future leaders!

Aminado raw siyang natutuhan na niyang tanggapin ang mga bagay na hindi na mababago sa kaniyang sarili, kagaya nga ng kaniyang chin.

"Things that I can't change about myself, ahm, some bullying about my physical appearance, but it comes with the territory, and she inspired me..." sundot pa ni Bea.

Hindi naman makapaniwala ang mga miyembro ng media sa sinabi ni Bea na nakaranas siya ng pambu-bully.

Nang tanungin kung saang banda siya na-bully, "My chin, but my chin is something I love cause it's the same chin as my mom, as my lola, and I would rather honor the stories of the women who came before me than fit a certain beauty standard," paliwanag niya.

Kaya naman, natanong si Bea kung ano naman ang mensahe niya para sa kababaihang maaaring maka-relate sa kaniya.

"First and foremost, you need to be enough for yourself and who you were as a child. The fact that I've been able to embrace my differences and what makes me unique is what would have made Bea who was bullied throughout high school really proud of herself," sagot ng Miss Universe Philippines 2026.

Bukod daw sa baba niya, na-bully rin siya dahil sa pagiging "academically focused."

Mensahe naman niya bilang bagong MUPH, "I promise to continue the work I've done for the past 10 years here in the Philippines with environmental conservation, marching hand in hand with the Filipino people on the streets, and working with organizations like Project Korma and the Apl The Ap Foundation to create a greener and more equitable future fo all Filipinos," paliwanag niya.

Ipinanganak si Bea sa Milwaukee, Wisconsin, United States noong 2002. Mula siya sa pamilya ng mga imigrante. Ang kaniyang dugong Pinoy ay galing sa panig ng nanay niya.

Bagama’t kasalukuyang naninirahan sa Makati, ang La Union na nirerepresenta ni Bea ay probinsya ng kaniyang lola’t lolo.

Maki-Balita: Proud sa imperfections! Bea Windorski, na-bully dahil sa baba niya

Maki-Balita: KILALANIN: Sino si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski?