Pinabulaanan ng batikang aktres na si Maricel Soriano ang alegasyong binugbog umano niya ang dalawa niyang kasambahay noong 2011.

Sa ikalawang public hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa PDEA leaks nitong Martes, Mayo 7, dumalo si Soriano at itinanong sa kaniya ng Committee chair na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang tungkol sa naturang alegasyon.

Tsika at Intriga

Maricel Soriano, wala raw alam sa PDEA document; umaming sa kaniya ang condo unit

Ayon kay Dela Rosa, nagsampa ng reklamo laban kay Soriano ang dalawang kasambahay nito dahil sa pambubugbog at paggamit umano ng coccaine

“Anong masasabi mo sa balita na ito?” tanong niya naman kay Soriano.

“Hindi po totoo ‘yan. Hindi po,” mariing sagot ng aktres.

“Pero totoong mayroon kayong dalawang katulong sa bahay na umalis?”

“Opo kasi ninakawan po nila ako,” sagot ni Soriano.

“Totoo na binugbog mo sila o hindi?” sunod na tanong ni Dela Rosa.

“Paano ko naman po bubugbugin dalawa po sila?” sagot naman ng aktres.

Bukod sa usaping ito, napag-usapan din sa naturang hearing ang tungkol sa pagkasangkot ni Soriano sa iligal na droga.

BASAHIN: Maricel Soriano, wala raw alam sa PDEA document; umaming sa kaniya ang condo unit