Umani ng reaksiyon ang ginawa ng heartthrob actor na si Ian Veneracion sa isang babaeng nanonood ng "Miss Santiago" pageant habang nanghaharana siya sa mga kandidata at maging sa audience.

Pinaakyat niya ang kilig na klig na babae sa entablado habang kinakantahan ito.

Maya-maya, ibinaba ni Ian ang mikropono, tila sinabihan at minuwestrahan niya ang babae na tumindig ng tayo at itaas ang mga bisig. At dito na nga nangyari ang pagkarga sa kaniya at pag-ikot pabaligtad bagay na ikinahalakhak at kinakiligan ng mga naroon.

Ngunit sa social media, maraming netizens ang nagtataka sa ikinilos ni Ian.

Tsika at Intriga

'Water birth' ni Papi Galang habang pinapanood ng Toro Family, umani ng reaksiyon

"SIR IAN WHAT THE FCK IS HAPPENING SIR?!!!!" sey pa ng isang alt X account ng Kapamilya Channel.

[embed]https://twitter.com/AltKapamilyaCH/status/1787063142100689336?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1787063142100689336%7Ctwgr%5E6985cca088ed593867149b5c59685043e7f3eea0%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=http%3A%2F%2Fwww.fashionpulis.com%2F2024%2F05%2Fian-veneracion-flips-female-audience.html[/embed]

"Kaya pala mahal TF, may pa-acrobatic show si Tito at wag ka, sa pageant talaga. Very appropriate."

"Ito yung mahal yung talent fee diba? Dahil ba sa ganito lol"

"Cute nung ginawa nya to kay Jodi during an interview pero this is so awkward and off. Sorry Ian. Crush kita pero di ko bet tong eksena."

"Kaya pala mahal ang talent fee, nambabalibag. Ako next Papa Ian!"

"Wth hahahhaha paano kung nagkamali o pumalag Yun girl baka aksidente abot nila."

Samantala, binalikan pa ng mga netizen ang ginawa ni Ian kay Jodi Sta. Maria habang nakasalang sa interview si Richard Yap.

Habang nagsasalita kasi si Richard ay bigla na lang binuhat ni Ian si Jodi nang patayo naman.

Samantala, wala pang reaksiyon, komento, o tugon ang kampo ni Ian tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.