Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Zambales nitong Lunes ng madaling araw, Mayo 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:08 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 31 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Cabangan, Zambales, na may lalim na 14 kilometro.

Naiulat ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II - San Antonio, ZAMBALES

Intensity I - Cabangan, ZAMBALES

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.