Labis ang pasasalamat ni Diwata kay Rosmar Tan dahil natupad ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay.

Bumisita si Rosmar kay Diwata nitong Lunes, Mayo 6, kung saan sinorpresa niya ito ng bagong bahay dahil aniya nakarating daw sa kaniya na nagpapahinga lang daw ito sa loob ng sasakyan.

Rosmar 'di raw ginagamit si Diwata para sa brand niya: 'Busilak ang aking puso sa pagtulong'

Kaya labis ang pasasalamat ni Diwata kay Rosmar.

“Maraming salamat po naiyak po ako sa sobrang saya kasi pangarap ko talaga magkaroon ng bahay, tapos hindi lang bahay ang binigay mo madam [Rosmar], may pera pa. So maraming salamat po. Mababago na po talaga ang buhay ko. Thank you so much,” saad ni Diwata.

Samantala, sa Facebook post ni Rosmar, sinabi niyang kikitain niya naman daw ulit ang pera. Pero wala raw katumbas na halaga na makita niyang nabago niya ang buhay ng mga taong nasa paligid niya.

Bukod sa bagong bahay, nagbigay aniya siya kay Diwata ng tumataginting na ₱5 million worth of endorsement, products, at cash mula sa iba’t ibang brand na tumulong sa kaniya.

Hindi pa nagtatapos sa mga nabanggit, binigyan din niya si Diwata ng umano’y imported Saint Bernard puppy na worth ₱300K daw at lifetime supply ng dogfood.

Gayunman, sa kabila ng mga ibinigay niya, binigyang-diin ni Rosmar na hindi niya raw ginagamit si Diwata para sa kaniyang mga brand dahil busilak daw ang kaniyang puso sa pagtulong. Kaya’t ibang mga brand daw ang ibinida niya sa surprise niya.

BASAHIN: Rosmar ‘di raw ginagamit si Diwata para sa brand niya: ‘Busilak ang aking puso sa pagtulong’

#google_vignette