Pumalo sa 50°C ang heat index sa Clark Airport, Pampanga nitong Lunes, Mayo 6, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, 32 iba pang lugar ang umabot din sa “danger level” ang heat index bukod sa Clark Airport.
Ito ay ang mga sumusunod:
- Dagupan City, Pangasinan - 47°C.
- Virac, Catanduanes - 46°C
- Aparri, Cagayan - 45°C
- Iba, Zambales - 45°C
- San Jose, Occidental Mindoro - 45°C
- Cuyo, Palawan - 45°C
- Roxas City, Capiz - 45°C
- Iloilo City, Iloilo - 45°C
- Laoag City, Ilocos Norte - 44°C
- Bacnotan, La Union - 44°C
- Tuguegarao City, Cagayan - 44°C
- Baler, Aurora - 44°C
- Puerto Princesa City, Palawan - 44°C
- Aborlan, Palawan - 44°C
- Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City - 43°C
- Isabela State University (ISU) sa Echague, Isabela - 43°C
- Casiguran, Aurora - 43°C
- Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo - 43°C
- Dumangas, Iloilo - 43°C
- Catarman, Northern Samar - 43°C
- Dipolog, Zamboanga del Norte - 43°C
- Science Garden, Quezon City - 42°C
- Sinait, Ilocos Norte - 42°C
- Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac, Ilocos Norte - 42°C
- Central Luzon State University (CLSU) sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija - 42°C
- Sangley Point, Cavite - 42°C
- Alabat, Quezon - 42°C
- Catbalogan, Samar - 42°C
- Tacloban City, Leyte - 42°C
- Davao City, Davao del Sur - 42°C
- Cotabato City, Maguindanao - 42°C
- Butuan City, Ilocos Norte - 42°C
Ayon sa PAGASA, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.
Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”
“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.