Nagdulot ng good vibes sa mga netizen ang Facebook post ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Abu Dhabi na si Johnlerie Serrano mula sa Pampanga, matapos niyang ibahagi ang TikTok video ng isang babaeng dayuhan kung saan, nagtataka ito kung bakit pare-pareho ang amoy ng mga Pilipino.

Ayon sa dayuhan, iisa lang ang scent ng mga Pinoy kapag naaamoy niya: mabangong amoy ng detergent!

Curious tuloy ang dayuhan kung anong detergent ito at nais din niyang malaman upang magamit.

"I am walking back home now and one Filipino couple passed by me," kuwento ng banyaga sa video.

Human-Interest

ALAMIN: Ang istorya sa likod ng viral FB post na 'Ang munting candy at kuwento ng tagumpay'

"And what you think how they smell, how they smell, they smell like they came outside of [the] washing machine, and smell is like fresh you know, they smell like detergent you know, and not only this couple, everyone! [Every] Filipino smells the same, but it's not bad, I just want to ask you which detergent you're using? I want the same because it smells amazing, and also, I like it! I kind like it!"

"And you can say that all [Filipinos smell] the same seriously. I don't know how, which detergent you're using. If I will wash my clothes, the same detergent, I will be Filipino?"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"When I was working in Bahrain, one of our hotel guests told me that he's been to a lot of countries but only in the Philippines he noticed that every morning when he roamed around, everyone's hair was wet and freshly showered (referring to students and workers). Everyone's clothes were ironed. I told him it's our nature to have a good hygiene."

"We smell like detergent because we wear freshly washed clothes everyday. We don't smell like channel or any fancy cologne because our freshly-washed clothes smells better."

"Because we, Filipinos, we never stock our clothes in the closet. After we finish wash our clothes and it is dry we wear it already no need to put on the cabinet or closet. We wear it, so we smell fresh from the washing machine."

"Downy 'yan hahahaha."

"Naglalagay pa kasi ang mga Pinoy ng fabcon pagkatapos hahaha."

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Johnlerie, sinabi niyang 12 taon na siyang nagtatrabaho sa Abu Dhabi bilang isang office admin.

Nakakatuwa raw sa pakiramdam na napupuri ang mga Pilipino ng mga dayuhan pagdating sa good hygiene.

"Nakakatuwa na napapansin ng ibang lahi ang pagka-hygienic ng mga Pinoy," aniya.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay pumalo na sa 1M views ang nabanggit na video.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!