May pahayag si Rendon Labador tungkol sa pagsasandok niya ng “motivational rice” sa gaganaping opening ng bagong branch ng paresan ni Rosmar Tan sa Tagaytay.

“Ginamit pa ako sa opening ng negosyo niya. Pasalamat kayo [nagbago] na ako, saan ba ['yan]?” saad niya sa kaniyang Facebook post.

BATI NA? Rendon, magsasandok ng 'motivational rice' sa paresan ni Rosmar

Matatandaang inispluk ni Rosmar na si Rendon ang magsasandok ng “motivational rice” ng Rosmar Overload Pares sa opening ng bagong paresan.

“HAHAHA ayan na nga si Rendon Labador ester Labrador ay Labador ang [magsasandok] ng motivational rice [ninyo] sa R Mansion Tagaytay Resort sa May 5, 10 AM opening,” sey ni Rosmar.

Biro pa niya, “HAHAHA yari ka sa asawa ko.”

Matatandaan din nag-viral noong nakaraang taon ang “motivational rice” ni Rendon dahil maraming netizens ang napakamot ng ulo dahil sa presyo ng single serving ng kaniyang kanin sa kaniyang restaurant noon.

BASAHIN: Presyo ng kanin sa resto ni Rendon Labador, ikinaloka ng netizens!

Binigyang-diin naman ni Rendon na ang kaniyang motivational rice ay simbolo raw ng mga taong lumalaban at hindi sumusuko sa buhay.

Aniya, “Motivational Rice! Pilitin mong umangat sa buhay hanggang sa ma-afford mo. This is not to discriminate pero ito ay simbolo ng mga taong lumalaban at hindi sumusuko sa buhay.

BASAHIN: ‘Motivational Rice’ ni Rendon, simbolo raw ng taong ‘di sumusuko sa buhay