Itinanggi ng isang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kumakalat na impormasyon sa social media na magkakaroon ng taas-pasahe kapag ipinatupad na ang Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP).

Binanggit ni LTFRB Central Visayas director Eduardo Montealto, Jr., walang katotohanan ang impormasyong inilabas ng isang news site hinggil sa usapin.

Aniya, hindi gagawing ₱40 ang minimum fare mula sa ₱15.

"Such a claim is without factual and legal basis… Fare rates are fixed and regulated by the LTFRB to protect the public. It will not be changed on the basis of speculation,” aniya.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Idadaan aniya sa formal evaluation process ang anumang mungkahing pagtaas ng pasahe at isasailalim din ito sa mga pagdinig.

Matatandaang ipinahayag ng LTFRB na hindi na nila palalawigin ang April 30 deadline para sa franchise consolidation at huhulihin na nila ang mga PUV na namamasada kahit kanselado na ang kanilang prangkisa.

Nasa 8,500 unit na ng PUV ang nakapag-consolidate na ng prangkisa sa rehiyon.

PNA