Iniutos ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante sa ilang lungsod at bayan na apektado ng El Niño na bawal munang magtaas ng presyo ng pangunahing bilihin dahil sa ipinatutupad na price freeze.

Sa pahayag ng DTI, maaapektuhan ng price freeze ang Quezon at Kibawe sa Bukidnon, Lantawan sa Basilan, Matanog, Datu Blah Sinsuat, Buldon UPI, at Sultan Masutra Kabuntalan sa Maguindanao del Norte.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Ipinatutupad din ang hakbang sa Maguindanao del Sur, Basilan, at Biliran.

Ang naturang price freeze ay tatagal sa loob ng 60 araw. 

Gayunman, posible ring i-lift kaagad ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kahit pa natatapos ang itinakdang panahon.