Binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga mamamahayag sa pagdiriwang ng “World Press Freedom Day” nitong Biyernes, Mayo 3.

Sa kaniyang mensahe, binanggit ni Marcos kung gaano raw nagpapakita ang mga mamamahayag ng katapangan sa paghahatid ng mga ulat na walang kinikilingan.

“In Bagong Pilipinas, we celebrate our journalists for their courage in conveying unbiased reports, and we rely on them to continue being the stalwarts of truth and transparency,” ani Marcos.

Ayon pa sa pangulo, napakahalaga ng trabaho ng mga mamamahayag dahil ang kanila raw mga ulat ang nagsisilbing depensa laban sa mga maling impormasyon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“As the fourth pillar of our democracy, their words serve as our strongest defense against misinformation and fake news,” ani Marcos.

“Now, more than ever, their commitment to their work is crucial,” saad pa niya.