Pabirong humirit ang showbiz insider na si Ogie Diaz kay "It's Showtime" host Vhong Navarro matapos sumabog ang balitang idinemanda siya ni Kapuso star Bea Alonzo ng tatlong magkakahiwalay na cyber libel case, kasama umano ang co-hosts ng "Ogie Diaz Showbiz Update," sa Quezon City Prosecutor's Office nitong Huwebes, Mayo 2.

Bukod kay Ogie, sinampahan din ng kaso ni Bea si Cristy Fermin, at maging ang co-hosts daw nito sa "Showbiz Now Na."

Agad na nag-trending sa social media platform na X ang pangalan nila ni Cristy at ni Bea Alonzo na siyang nagrereklamo sa kanilang dalawa.

Sa "Share a thought" niya sa Messenger ng Meta, humingi ng paumanhin si Ogie kay Vhong Navarro, matapos daw nilang "maagaw" ang moment nito.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Sa kaparehong araw kasi, lumabas na ang hatol para kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawa pang kasama, kaugnay ng kasong "serious illegal detention for ransom" na isinampa sa kanila ni Vhong, kaugnay ng naganap na insidente sa pagitan nila noong 2014 pa. "Reclusion perpetua" o habambuhay na pagkakabilanggo ang parusa sa kanila.

"Sorry, Vhong! Moment mo, naagaw pa namin," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (FB)

Samantala, sa kaniyang My Story naman ay may mensahe siya sa lahat ng showbiz reporters na tumatawag at nakikipag-ugnayan sa kaniya upang mahingi ang kaniyang panig.

“Pasensya na sa lahat ng reporters na tumatawag para maging balanse lang ang kanilang report. Naiintindihan ko kayo kung nginangarag kayo ng news desk o ng editors nyo. Makakarating din naman sa amin yan para sagutin sa takdang panahon,” saad ni Ogie.

“Pero eto ha? Ayoko nang magpakaplastik. Tulad ng lagi naming hinihirit sa Ogie Diaz Showbiz Update, sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending,” dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa inihaing kaso ni Bea laban sa kaniya: ‘Ayoko nang magpakaplastik…’