Tila nagpakita ng suporta si Liza Soberano sa naging pagkaso ni Bea Alonzo laban sa kaniyang dating manager na si Ogie Diaz, Cristy Fermin, at co-hosts ng mga ito sa kani-kanilang online programs.

Ito ay matapos i-repost ni Liza ang isang report tungkol sa pagsampa ni Bea ng criminal case for cyber libel laban sa mga nasabing personalidad.

Liza Soberano/X screengrab

Matatandaang nitong Huwebes, Mayo 2, nang magtungo si Bea sa Quezon City Prosecutors Office para maghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel laban kina Ogie at Cristy, maging sa kanilang mga kasama sa kani-kanilang programa.

Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz

Kasama rin daw sa inireklamo ni Bea ang isang netizen na nagpapanggap umano na malapit sa kaniya.

Nito lamang ding Huwebes ay nagbigay ng maikling pahayag si Ogie hinggil sa mga nagtatanong daw sa kaniya tungkol sa cyber libel case na inihain laban sa kaniya ni Bea.

https://balita.net.ph/2024/05/02/ogie-diaz-sa-inihaing-kaso-ni-bea-laban-sa-kaniya-ayoko-nang-magpakaplastik/

Samantala, naglabas din ng pahayag si Cristy nitong Biyernes, Mayo 3, kung saan iginiit niyang hindi raw niya pinagkakakitaan ang aktres.

https://balita.net.ph/2024/05/03/cristy-fermin-itinangging-pinagkakakitaan-si-bea-alonzo/