Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Mayo 3, na patuloy pa ring nakaaapekto sa bansa ang easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang makararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa, partikular na pagsapit ng gabi, dahil sa easterlies at maging sa localized thunderstorms.

Posible ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms sa isang lugar, ayon sa PAGASA.

Samantala, inihayag din ng PAGASA na inaasahan pa rin ang maalinsangang panahon at mataas na temperatura sa bansa dulot ng patuloy na rin ng patuloy na epekto ng El Niño at ng panahon ng tag-init.

National

ALAMIN: Mga sintomas ng heat-related illnesses at mga dapat gawin kapag nakaramdam nito

Sa kasalukuyan ay walang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).