Mariing itinanggi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang paratang umano ng kampo ni Kapuso star Bea Alonzo na pinagkakakitaan daw niya ang aktres.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Mayo 3, nagbigay si Cristy ng pahayag kaugnay sa cyber label cases na inihain sa kaniya ni Bea nitong Huwebes, Mayo 2.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz

Ayon sa kaniya, karapatan naman daw ng kahit na sino ang magsampa ng kaso lalo na sa tulad niyang mamamahayag na tila kakambal na ng kaniyang propesyon ang cyber libel.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Ipinapaubaya na rin daw niya sa prosekusyon ang desisyon kung sino sa kanila ni Bea ang nasa panig ng tama o mali.

Pero hindi raw niya matanggap ang paratang sa kanila ng kampo ni Bea na ang vlogs at shows nila ni showbiz insider Ogie Diaz ay ginawa lamang upang pagkakitaan ang aktres.

“Ang programa po ni Ogie Diaz, ang kaniyang vlog, at ang ‘Showbiz Now Na,’ at maging ang ‘Cristy Ferminute’ ay idinesenyo hindi lamang po para kay Bea Alonzo,” saad pa ni Cristy.

“Ito po ay para ibalita ang lahat ng kuwento—positibo man o hindi—tungkol sa mga personalidad na tinatawag po nating public figures. At bilang pampublikong pigura po sila, kami naman po ang nagtatawid ng mg balita tungkol sa kanila,” aniya.

Dagdag pa niya: “Hindi po namin maaaring puhunanin si Bea Alonzo lamang para kumita ang aming mga vlogs. Mali p’yon. Lahat ng mga kuwento ay inilalatag po namin at depende na lang po ‘yan sa pagtanggap ng mga personalidad na aming tinatalakay.”

Matatandaang nauna nang magbigay ng pahayag ang showbiz insider na si Ogie Diaz na kasama rin sa mga sinampahan ng naturang kaso.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa inihaing kaso ni Bea laban sa kaniya: ‘Ayoko nang magpakaplastik…’