May maikling pahayag ang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz hinggil sa mga nagtatanong sa kaniya tungkol sa cyber libel case na inihain laban sa kaniya ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa ulat ni GMA Showbiz reporter Nelson Canlas nitong Huwebes, Mayo 2. nagtungo si Bea sa Quezon City Prosecutors Office para maghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz kasama rin ang kanilang mga co-host sa kani-kanilang online programs.

Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz

Kaugnay nito, humingi muna ng pasensya si Diaz sa mga reporters na tumatawag sa kaniya para hingin ang kaniyang panig.

“Pasensya na sa lahat ng reporters na tumatawag para maging balanse lang ang kanilang report. Naiintindihan ko kayo kung nginangarag kayo ng news desk o ng editors nyo. Makakarating din naman sa amin yan para sagutin sa takdang panahon,” saad ni Diaz sa kaniyang social media account.

“Pero eto ha? Ayoko nang magpakaplastik. Tulad ng lagi naming hinihirit sa Ogie Diaz Showbiz Update, sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending,” dagdag pa niya.

Screenshot Ogie Diaz/FB