Isang dalagita ang patay nang ma-trap sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Morong, Rizal nitong Miyerkules.

Nakadapa at wala nang buhay ang biktimang si alyas ‘Amira,’ 14, nang madiskubre ng mga awtoridad.

Batay sa ulat ng Morong Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-5:00 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang apoy sa tahanan ng biktima sa Brgy. San Juan.

Nang maapula ang apoy dakong alas-5:20 ng hapon ay saka lamang nadiskubre ang bangkay ng biktima.

Metro

Negosyante, pinagbabaril sa loob ng sasakyan, patay!

Masusi nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy gayundin ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.