Hinatulan umano ng habambuhay na pagkabilanggo sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at ilan pang kasangkot sa kasong "serious illegal detention for ransom" na isinampa sa kanila ng "It's Showtime" host na si Vhong Navarro.

Ayon umano sa inilabas na hatol ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153, "guilty without reasonable doubt" sina Lee, Cornejo, at dalawa pang kasamang sina "Ferdinand Guerrero" at "Simeon Raz," na humahantong sa parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong.

Kinansela rin daw ang piyansa ng mga nahatulan, ayon sa ulat ng DZBB. Kaagad na ikinulong sina Raz at Cornejo na dumalo sa pagbasa ng hatol habang naglabas naman ang arrest warrant para kina Lee at Guerrero.

Matatandaang nag-ugat ang gusot sa pagitan nina Navarro, Cornejo, Lee at iba pang mga kasama dahil sa umano'y pagtatangkang paggahasa ng una kay Cornejo noong Enero 22, 2014.