Isang taga-Quezon City ang sinuwerteng nagwagi ng ₱103 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi, Abril 30.

Matagumpay na nahulaan ng mapalad na mananaya ang winning combination na 09-56-36-07-55-54 kaya’t maiuuwi nito ang katumbas na jackpot prize na ₱103,439,627.60.

National

₱103M jackpot prize ng Ultra Lotto, nasolo!

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Fisher Mall Lotto outlet sa Brgy. Sta. Cruz, Quezon Avenue sa Quezon City.

Upang makubra naman ang kanyang jackpot prize, pinayuhan ni Robles ang lucky winner na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Kailangan din umano nitong iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang balidong IDs.

Kaugnay nito, nagpaalala naman si Robles na alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, ang lahat ng lotto winnings na lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa Charity funds ng PCSO.

SAMANTALA, nasa anim ang kabuuang bilang ng mga mananayang nanalo sa major lotto games ng PCSO nitong buwan ng Abril.

https://balita.net.ph/2024/05/01/sumatotal-6-na-mananaya-nanalo-sa-major-lotto-games-ng-pcso-nitong-abril/