Maging si Toni Gonzaga-Soriano ay na-shookt nang kumpirmahin ng social media personality at paresan owner na si Diwata na ang dating kaibigang nakaalitan at sinaksak siya sa mukha ay napatawad na niya at nagtatrabaho pa sa kaniyang sikat na 'Diwata PARES Overload."

"Nagmula sa kalangitan, lumagapak sa kalupaan, narito na sa inyong harapan ang nag-iisang Diwata, diyosa ng mga paresan!" entrada ni Diwata bago magsimula ang aktuwal na panayam.

"Binago ko na," sey ni Diwata kay Toni.

"Ay hindi na duguan? 'Yong sa kawatan?"

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Hindi na. binago ko na siya... saka 'yon, 'yong ano namin do'n (gulo) okay na 'yon," giit pa ni Diwata.

"Yong sumaksak daw sa 'yo nagtatrabaho na?"

"Yes, naka-move na kaming lahat. Nasa akin ngayon," sagot ni Diwata.

Ikinuwento ni Diwata na kaya sila nag-away-away noong 2016 ay dahil sa pagsaway niyang itigil na ng kaibigan ang pagbibisyo kung makikitira ito sa kaniya sa tulay.

Nilinaw ni Diwata na hindi siya kailanman gumamit ng droga at mas pinili pang mamasura para lamang may pambili ng makakain at pang-araw-araw na pangangailangan.

Pero ngayon daw ay all well na si Diwata at kaniyang mga kaibigan.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Diwata is the living proof na kung di mo kayang makakuha ng diploma sa hirap ng buhay, diskartehan mo sa sipag at pangarap. Hindi hadlang ang kahirapan para sa pag unlad. Nakaka hanga. Hindi sya pumayag na stuck lang sya sa kahirapan."

"Ang saya makita na umaangat na si Diwata kahit hinihila siya ng kapwa Filipino. Patuloy ka kang Diwata at sa lahat ng mga lumalaban ng patas sa buhay! God is good!"

"Imagine 42 yrs old na si Diwata ngayon and almost 25 years na siya sa Manila na lumalaban nang patas at umangat sa buhay. May awa talaga si Papa God at nirereward ang mga mabubuting tao."

"This person deserves everything he has because he has a good heart. May God bless him more and give him a long life to inspire others to be successful."

Paminsang napapanood si Diwata sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" na pinagbibidahan at idinederehe ni Coco Martin.