Binigyang-pugay ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla si Cavite 4th District Rep. Elpidio "Pidi" F. Barzaga Jr. na pumanaw nitong Sabado, Abril 27.

Sa isang Facebook post nitong Linggo, Abril 28, nakiramay si Remulla sa pamilyang naulila ni Barzaga, na naging inspirasyon daw ng lahat ng kanilang mga kasama sa pagseserbisyo publiko.

“Nakikiramay po ako sa pamilya ng naulila ng aking malapit na kaibigan na si Cong. Pidi Barzaga ng 4th District of Cavite,” ani Remulla.

“Salamat sa 'yong buhay na naging inspirasyon ng lahat ng mga kasamahan natin sa serbisyo publiko,” saad pa niya.

National

Cavite Rep. Barzaga, pumanaw na!

Si Remulla ang dating kinatawan ng ikapitong distrito ng Cavite at naging House of Representatives deputy speaker.

Samantala, pumanaw si Cavite 4th District Rep. Barzaga nitong Sabado ng tanghali sa edad na 74 sa California, USA, ayon sa anunsyo ng kaniyang pamilya.

“Throughout his life, Cong. Pidi dedicated himself to serving the people of the Province of Cavite and the City of Dasmariñas with unwavering commitment and passion,” pahayag ng pamilya ni Barzaga.

“His dedication to education, healthcare, and poverty alleviation transformed lives and shaped the future of his constituents. He will be remembered for his compassion and relentless pursuit of justice,” dagdag nito.

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2024/04/28/great-legal-thinker-ng-kongreso-romualdez-nalungkot-sa-pagpanaw-ni-barzaga/