May plano nga ba ang Sparkle artist na si Joaquin Domagoso na pasukin ang mundo ng politika tulad ng kaniyang amang si dating Manila Mayor Isko Moreno?

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Biyernes, Abril 26, sinagot ni Joaquin ang naturang tanong.

Ayon sa kaniya: “I don’t know if I gonna run. Pero the door is not closed. Ang important sa akin is kailangan kong patunayan na kung tatakbo man ako, hindi ako bobong tao.”

“Because I don’t want to run and win, and just win,” dutgong pa niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, naitanong din kay Joaquin ang tungkol sa muling pagbabalik ng ama niya sa politika lalo na’t nabanggit niya rin na patuloy pa rin daw nilalapitan si Isko ng mga tao kahit wala nang katungkulan sa gobyerno.

MAKI-BALITA: Kahit hindi na Yorme: Isko, nilalapitan pa rin ng mga tao

“Kung ikaw ang hihingan ng suggestion ng daddy mo: ‘Joaquin, kailangan ba akong tumakbo ulit?” tanong ni Ogie.

“Oo, Papa. Go!” mabilis na sagot ni Joaquin.

Pero sa kasalukuyan, ayon kay Joaquin, ayaw daw muna ng kaniyang ama na kumandidato ulit pagkatapos nitong tumakbo bilang presidente noong Halalan 2022.