Nakakaloka ang hirit ng mga netizen kay "Wowowin" host Willie Revillame, sa kaniyang nakaambang muling pagbabalik sa telebisyon sa pamamagitan ng TV5, na minsan na rin niyang naging home network bago lumundag sa GMA Network.

Pumirma na nga si Willie sa joint venture niya o partnership sa MediaQuest Holdings at MQuest Ventures na pagmamay-ari ni Manny Pangilinan.

Hindi pa malinaw kung Wowowin pa rin ba ang magiging programa ni Willie sa Kapatid Network, o kagaya pa rin ng format, o kung may iba pang programang gagawin ang host sa nabanggit na network.

Sitsit din na magiging ka-back-to-back ito ng "Eat Bulaga" ng TVJ na nasa Kapatid Network na rin.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Nakadaupang-palad din ni Willie ang isa sa mga public service program host at senador na si Raffy Tulfo bilang pa-welcome sa kaniya.

Matatandaang bago pa ang pirmahan sa TV5 ay nauna munang napabalitang magbabalik si Willie sa government-owned networks na IBC-13 at PTV-4 subalit hindi ito natuloy dahil sa ilang mga pagbabago raw sa kondisyon ni Willie.

Dahil nakilala si Willie sa pamimigay ng jacket sa mga contestant at studio audience ng kaniyang programa, this time ay hiniritan siya ng mga netizen na kundi bentilador ay aircon na lang ang ipamahagi niya lalo't sobrang init at alinsangan ng panahon.

Nagkomento ang mga netizen sa ulat ng Balita patungkol sa muling pagbabalik-telebisyon ni Willie.

"kuya wel kahit tig iisang aircon na lang ho"

"Jacket is out, aircon is in!"

"Aircon na lang Kuya Wil huwag na jacket hahaha, with 5k siyempre.

"Aircon naman bigay m kuya will hahaha"

"electric fan na lang po yung hanggang number 30 ang lakas ng hangin"

"Bigyan ng aircon yan!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Willie kaugnay nito.

MAKI-BALITA: Balik-TV5: Willie, mamimigay na ulit ng jacket