Limang mananaya ang nanalo ng mahigit sa ₱382 milyong kabuuang jackpot sa apat na magkakahiwalay na lotto draw ngayong Abril, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tumama ng mahigit sa ₱89.5 milyong jackpot ang dalawang mananaya na taga-Zamboanga del Norte at Bacoor, Cavite nang mahulaan nila ang winning number combination na 28-16-18-29-14-09 sa 6/49 Super Lotto draw nitong Abril 4.

Napanalunan naman ng isang taga-Quezon City ang mahigit sa ₱24.2 milyong jackpot sa Lotto 6/42 draw nitong Abril 9 makaraang mahulaan ang 6-digit na winning combination na 28-37-06-05-12-18.

National

Hontiveros, hindi masyadong satisfied sa mga pahayag ni Alice Guo sa executive session

Nitong Abril 13, isang taga-Caloocan City ang tumama ng halos ₱223 milyon sa draw ng Grand Lotto 6/55. Nakuha nito ang winning combination na 17-26-30-39-14-07.

Mahigit naman sa ₱46 milyong ang naiuwi ng isang taga-Magallanes, Cavite matapos tamaan ang Mega Lotto 6/45 draw nitong Abril 22.

Nasa ₱382.8 milyon ang kabuuang napanalunan ng limang mananaya, ayon pa sa PCSO.