Libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang handog ng Department of Labor and Employment (DOLE), katuwang ang Department of Transportation (DOTr) para sa mga manggagawa sa Mayo 1.

Batay sa abiso ng DOLE, nabatid na ang libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 ay maaaring i-avail ng mga manggagawa mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM sa mismong Labor Day.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Kinakailangan lamang umano ng mga ito na magpakita ng kanilang company IDs upang maka-avail ng libreng sakay.

Tatanggapin din naman ng mga rail lines ang mga government-issued IDs kung walang company ID ang mga ito at nasa edad 18-anyos pataas.

“Handog ng DOLE, katuwang ang Department of Transportation - Philippines, Libreng Sakay sa LRT2 at MRT3 para sa Manggagawa sa darating na Araw ng Paggawa! Ipakita lamang ang inyong company ID (or government-issued ID para sa mga edad 18 pataas),” anunsiyo pa ng DOLE.

Ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay sa Recto Avenue, Maynila at Antipolo City sa Rizal habang ang MRT-3 naman ay bumabagtas sa kahabaan ng EDSA, mula sa North Avenue, Quezon City hanggang sa Taft Avenue, Pasay City.