Patuloy na nakaaapekto ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, sa bansa ngayong Biyernes, Abril 26, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, may tsansang makararanas ng sandaling mga pag-ulan at thunderstorms, partikular na sa hapon o gabi, ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng easterlies at localized thunderstorms.
Posible ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa PAGASA.
Samantala, inihayag din ni PAGASA Weather Specialist Aldczar Aurelio na inaasahan pa ring makararanas ng maalinsangang panahon ang malaking bahagi ng dahil na rin sa epekto ng El Niño.
Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).