October 05, 2024

Home BALITA National

PH Horticulture and Urban Agriculture Summit 2024, isasagawa sa Mayo

PH Horticulture and Urban Agriculture Summit 2024, isasagawa sa Mayo
MB File Photo

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nakatakdang magsama-sama ang mga propesyunal at eksperto sa larangan ng horticulture at urban agriculture sa idaraos na Philippine Horticulture and Urban Agriculture Summit 2024 upang talakayin at pag-usapan ang iba't ibang potensyal at debelopment sa industriya ng horticultural at urban agriculture.

Maaari nang mabili ang mga ticket para sa nabanggit na kumperensya na may limitadong slots lamang. Ang pag-upa sa mga booth o booth rentals ay bukas na rin sa publiko para sa mga interesadong merchants at exhibitor para sa isasagawang Trade Exhibit, na mangyayari sa Mayo 3-6, 2024 sa One Ayala Mall.

Maaari na ring bumili ng ticket para sa post-conference tour sa Katimugan ng Luzon, na mangyayari naman sa Mayo 6.

Ang Manila Bulletin ay isa sa mga pangunahing isponsor ng gawaing ito.

Para sa iba pang mga tanong at detalye, maaaring makipag-ugnayan sa numerong ‪+63 991 150 5416‬ o bisitahin ang website na https://urbanhortisummit.ph/