Kinalugdan ng mga netizen ang post ng pasaherong si "Micaella Nelmida" matapos niyang i-flex ang nasakyang pampasaherong jeepney na may libreng inuming tubig para sa kanilang pasahero.

Makikitang nakalagay sa malaking water container ang tubig, na may plastik na baso pa para sa mga nagnanais uminom.

Nakalagay na paskil dito, "Mineral Libreng Inumin."

Kuwento pa ni Nelmida sa "Tarlac Forum," nag-aalok pa raw ang jeepney driver sa mga pasahero na huwag silang mahiya at kumuha lamang ng tubig kung sila ay nauuhaw.

Human-Interest

ALAMIN: Mga kahulugan ng kalimitang salita sa Senate at Congress hearing

"I found it as a kind gesture po and sobrang rare po sakin na makakita ng mga jeep na may ganun" ani Micaella sa panayam sa kaniya.

Labis naman itong pinusuan ng mga netizen at sinabing sana raw ay dumating ang good karma para sa nabanggit na jeepney driver.

Sa panahon ngayong labis ang init ng panahon gayundin ang heat index, makabubuting uminom ng maraming tubig at sumilong sa mga may bubungan o lilim upang hindi masyadong mainitan at ma-dehydrate.