Isang magnitude 4.4 na lindol ang tumama sa probinsya ng Sarangani nitong Huwebes ng umaga, Abril 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:17 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 92 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Maitum, Sarangani, na may lalim na 523 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.