May sagot ang aktres na si Kylie Verzosa sa mga netizen na nag-body shame sa kaniya sa inupload niyang “get ready with me” video.
Pinutakti ng samu’t saring komento mula sa netizens ang GRWM video ni Kylie sa kaniyang Instagram at Facebook account.
Sa naturang video, confident niyang ibinalandra ang katawan niya habang nagbibihis para sa isang event na dadaluhan.
Bagamat confident naman, hindi pa rin naiwasang makakuha ng komento mula sa netizens. Marami ang nagtatanong kung anong nangyari sa aktres dahil nasobrahan daw ito sa payat at halos kita na raw ang buto. Pero mayroon namang nagtatanggol kay Kylie.
BASAHIN: Buto’t balat na raw? Kylie Verzosa, pinutakti ng netizens
Samantala, may sagot ang aktres sa mga nag-body shame sa kaniya.
“I’m perfectly healthy and happy, i eat healthy and i take very good care of my health,” sey ni Kylie sa isang komento ng netizen na nagtanggol sa kaniya.
Dagdag pa niya, nakalulungkot daw na makitang kapwa Pinoy pa ang humuhusga sa kaniya.
“It’s sad to see so many Filipinos judging their own. I’m super proud to come from here, but you guys make it hard to appreciate home. We’re far behind, and yet here we are still commenting on other people’s bodies,” buwelta ni Kylie.
“It’s never okay. I hope you guys are okay and just focus on yourselves and your own personal growth and wellbeing. Being kind to one another will always be in,” saad pa niya.